Ang
dali,
pulhada o
pulgada (Ingles:
inch kapag isahan,
inches kapag maramihan; daglat o sagisag:
in o
″ – isang dobleng primo o
double prime) ay ang pangalan ng isang yunit ng
haba sa isang bilang ng iba't ibang mga sistema, kasama na ang mga yunit na Imperyal, at ang kustomaryong mga yunit ng Nagkakaisang mga Estados. Mayroong 36 mga pulgada sa loob ng isang
yarda at 12 mga pulgada sa loob ng isang
talampakan. Ang kaukol na mga yunit ng
area at
bolyum ay ang pulgadang parisukat (
square inch) at ang pulgadang kubiko (
cubic inch). Nagkakaiba ang nakaugalian o tradisyunal na pamantayan para sa hustong haba ng isang dali o pulgada, subalit inilarawan o binigyan ng kahulugan na sa ngayon bilang hustong 25.4 mm.