Ang mga
pulis,
pulisya, o
kapulisan ay isang pangkat ng mga taong may hanapbuhay o trabahong nangangalaga ng katahimikan at kaayusan, pagpapatupad ng
batas, mag-imbistiga ng mga krimen, at pagbibigay ng pruteksyon sa publiko o madla. Tinatawag ding
pulis na opisyal ang mga taong nagtatrabaho para sa kagawaran o departamento ng kapulisan. Tinatawag ang kanilang tanggapan o himpilan bilang
estasyon ng pulis o
himpilan ng pulis.