Ang
politika ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya para sa mga grupo ng mga tao. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa
pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksyon ng grupong pang-tao kabilang ang pang-kalakal, akademya at relihiyoso.
Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa mga gawing pulitikal at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba.