Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbulo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap.