Ang
Morus,
moras, o
amoras (
Ingles:
mulberry,
mulberry tree) ay isang
saring may 10 hanggang 16 na mga uri ng mga
punong katutubo sa mga maiinit, tropikal, at subtropikal na mga rehiyon ng
Asya,
Aprika, at sa mga Amerika, na ang karamihan sa mga uri ay katutubo at likas sa
Asya. Pangkaraniwang tinatawag ding
moras o
amoras ang higit na kalapit na kamag-anak na saring
Broussonetia, partikular na ang
papel amoras o
Broussonetia papyrifera. Napagkukunan ang ugat ng mga oras ng mga langis; at ginagamit din sa paggawa ng mababangong mga pamaypay, banig, at sa pagpapahalimuyak ng mga damit.