push-up


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pagdiin-angat
Ang pagdiin-pataas, pagdiin-angat, pagpiga-angat, o pagtukol-taas (Ingles: push-up o press-up, dating tinatawag na floor-dip) ay isang uri ng pangkaraniwang ehersisyong pagsasanay at pampagpapalakas na isinasagawa habang nakadapa, pahalang, at nakaharap sa sahig ang mukha, na iniaangat at ibinababa ang katawan sa pamamagitan ng mga bisig. Pinauunlad ng pagdiin-taas o pagtulak-angat ang mga muskulong pektoral at mga traysep, na ansilyaryong benepisyo sa masel na deltoid, masel na serratus anterior, masel na coracobrachialis at panggitnang seksyon sa kabuuan. Isa itong payak na ehersisyong ginagamit sa sibilyang atletikong pagsasanay o edukasyong pisikal at, espesyal na para sa kalusugang militar. Ginagamit din ito bilang parusa sa militar o sa palakasan o isport ng paaralan kapag nagkamali ang isang tao, at iba pa. Isa rin ito sa mga pangunahing ehersisyong kalisteniko.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.