Ang
puso ay isang
organong muskular na may tungkuling mag-bomba ng
dugo palagos sa mga
daluyang ugat sa pamamagitan ng paulit-ulit at maindayog na mga pintig, o kahalintulad na mga kayarian sa mga
annelid,
mollusk, at
arthropod. Ang salitang
cardiac (
Ingles) (tulad halimbawa ng
cardiology, na mula rin sa wikang Ingles) ay nangangahulugang "may kaugnayan sa puso" at nagmula sa
wikang Griyegong καρδία,
kardia, o puso. Binubuo ang puso ng mga masel na pampuso, isang tisyu ng masel na kusang gumagalaw na mag-isa na natatagpuan lamang sa loob ng kasangkapang ito ng katawan. Pipintig nang may humigit-kumulat sa 2.5 bilyong beses sa kahabaan ng buhay na may 66 taon ang karaniwang puso ng
tao.