putahe


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Ulam
Ang ulam, putahe o potahe ay tawag sa mga pagkain na isinasama sa kanin kapag kinakain. Sa bansang tulad ng Pilipinas, ang ulam ay isang intigral na parte ng hapagkainan. Ang pinakamalapit na tawag sa ulam sa wikang Ingles ay viand. Samantala ang putahe ay katumbas din ng salitang Ingles na cuisine, na nagmula sa Pranses na cuisine o "pagluluto", "sining ng pagluluto" o "kulinaryong sining", "kusina"; na nagmula naman sa Lating coquere, "magluto". Sa mas tiyak na kahulugan, isang ispesipiko o partikular na pangkat ng mga nakaugalian o mga tradisyon at pagsasagawa sa pagluluto, na karaniwang kaugnay ng isang partikular na kultura o kalinangan. Karaniwang pinapangalan ang ulam o putahe mula sa rehiyon o pook kung saan umiiral ang nasabing kalinangan. Pangunahin naiimpluwensiyahan ang putahe ng mga ingridyente o mga sangkap na makukuha sa lugar o sa pamamagitan ng pakikipagkalakal. Nakakaimpluho rin ng malakas ang mga pampananampalatayang mga batas sa mga putahe.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.