Ang
rabies (, mula sa , "kaululan" o "kabaliwan") ay isang karamdamang sanhi ng
birus na nagdurulot ng ensipalitis sa mga hayop na maiinit ang dugo. Ang sakit na ito ay soonotiko, na nangangahulugang maaari itong mailipat magmula sa isang espesye papunta sa iba pa, katulad ng pagkahawa mula sa mga aso papunta sa mga tao, na pangkaraniwang sa pamamagitan ng isang kagat na nagmula sa isang hayop na naimpeksiyon. Ang birus ng rabies ay nakakaimpeksiyon ng sistema ng nerbiyos, na sa panghuli ay nakapagsasanhi ng karamdaman sa utak at kamatayan. Naglalakbay ang birus ng rabies papunta sa utak sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nerbiyong periperal. Ang panahon ng inkubasyon (panahon ng paglimlim) ng sakit ay karaniwang mangilan-ngilang mga buwan sa mga tao, na nakasalalay sa layo na dapat lakbayin ng birus upang marating ang sentro ng sistemang nerbiyos. Kapag umabot na ang birus ng rabies sa sentral na sistemang nerbiyos at nagsimula nang makita ang mga sintomas, ang impeksiyon ay talagang hindi na malulunasan at karaniwang nakamamatay sa loob ng ilang mga araw.