Ang
radar ay maaaring isang aparato o isang sistema na pangkaraniwang binubuo ng nagtutugmaan o sinkronisadong kasangkapang pangpagpapadala ng transmisyon o
transmitter at kasangkapang pantanggap ng transmisyon (
receiver) na naglalabas ng mga alon ng radyo. Ang mga pagtalbog o repleksyon ng mga alon na pangradyo ay pinupruseso upang maipakita, at ginagamit upang mapuna o mapansin at mahanap ang mga bagay o mga tampok na katangian ng isang kapatagan. Ilan sa mga halimbawa ng mga bagay na mapapansin sa pamamagitan ng radar ay mga
salimpapaw, at pati na ang tampok na mga katangian ng kapatagan ng isang
planeta. Bilang isang aparato, ang radar ay nakakapansin ng pagkakaroon at kinalalagyan ng mga bagay sa pamamagitan ng pagsukat sa tagal ng panahon ng pagbalik ng alingawngaw ng isang alon ng radyo magmula sa radar, pati na ang direksiyon o kinapupuntahan ng pagbalik ng along ito.