Ang
radyasyong elektromagnetiko, kilala rin bilang pinaiksing
radyasyong E-M o
radyasyong EM, ay isang
kababalaghang naghuhubog ng mga along nagpaparami sa pamamagitan ng sarili, na nasa loob ng isang bakyum o sa loob ng materya. Mayroon itong puwang na may mga komponenteng may kuryente (elektriko) at mabalani (magnetiko) na nagpapaurong-sulong (oskilasyon) na nasa yugtong perpendikular sa isa't isa at perpendikular din sa direksyon ng propagasyon o pagpaparami ng enerhiya.