Sa larangan ng
pisika, ang
radiyasyon ay isang proseso kung saan ang mga
partikulong may
enerhiya o mga along masisigla ay naglalakbay na lumalagos sa isang
bakyum (paghitit o paghigop), o kaya ay sa pamamagitan ng midya na naglalaman ng
materya na kailangan para sa kanilang propagasyon (paglaganap o pagkalat). Ang mga alon o daluyong ng isang masibo o malaking midyum mismo, na katulad ng mga alon ng tubig o mga alon ng tunog, ay karaniwang hindi itinuturing bilang mga uri ng "radyasyon" sa ganitong diwa. Sa kabaligtaran, ang mga
alon na panggrabitasyon (daluyong na panggrabitasyon), na mga alon mismo ng
puwang at panahon, ay nararapat na ituring bilang isang uri ng radyasyon.