Ang
Radium,
Radyum, o
Radyo (Ingles:
Radium) ay isang
elementong pangkimika na mayroong
atomikong bilang na 88 at sagisag na
Ra sa
talahanayang peryodiko. Natuklasan ito nina
Marie Curie at Pierre Curie na nasa anyo ng klorido ng radyum (
radium chloride) noong 1898. Isa itong halos dalisay na puting alkalinang metal na panlupa, subalit kapag nalantad sa
oksiheno ay mabilis na nagiging kulay itim. Ang lahat ng mga
isotopo ng radyum ay radyoaktibo, at nagniningning ito na mayroong kulay na mapusyaw na bughaw dahil sa pagiging radyoaktibo.