Sa
elektroniks, ang
reaktansiya ay ang pagsalungat sa daloy ng naghahalinhinang daloy ng kuryente, na sanhi ng pagkakaroon ng induktansiya at kapasitansiya (lulan o kapasidad) sa isang sirkito. Ito ang oposisyon ng isang elemento ng sirkito sa isang pagbabago ng daloy, na dulot ng pamumuo ng elektrikomagnetikong mga pook (
magnetic field sa Ingles) sa loob ng elemento. Gumaganap ang magnetikong mga pook na ito upang gumawa ng pook na elektromagnetiko na katapat o proporsyonal sa halaga ng pagbabago (deribatibo ng oras), o akumulasyon (integral ng oras), ng daloy. Ang ideyal na
resistor ay may reaktansiyang sero o wala, habang ang ideyal na mga induktor at mga
kapasitor ay pangkalahatang binubuo ng reaktansieyang may sero o walang
resistensiya.