Ang
reaksyong kimikal ay isang proseso ng nagreresulta sa isang pagpapalitan ng mga
sustansyang kimikal [1] Tinatawag na mga
reactant ang sustansya o mga sustansya na unang nasangkot reaksyong kimikal. Tinatangi ang mga reaksyong kimikal sa pamamagitan ng pagbabagong kimikal at nagbubunga ito ng isa o higit pa na mga produkto na naiiba sa mga
reactant. Sa kadalasan, sinasakop ng mga reaksyong kimikal ang mga pagbabago na mahigpit na kinakasangkutan ng mga paggalaw ng mga
elektron sa pabubuo at pagwasak ng mga
kawing kimikal, bagaman nailalapat ang pangkalahatang konsepto ng isang reaksyong kimikal, partikular ang kuro-kuro sa isang
ekwasyong kimikal, sa mga pagbabago ng pangunahing mga maliit na bahagi, gayon din ng mga reaksyong nukleyar.