Ang
Panghihimagsik na Makaagham o
Rebolusyong Siyentipiko (Ingles:
Scientific Revolution) ay isang uri ng pag-aalsang nangyari noong panahon mailathala ni
Nicolaus Copernicus ang
De revolutionibus orbium coelestium o "Mga Pag-inog ng Makalangit na mga Espero" (
Revolutions of the Heavenly Spheres sa Ingles) at ng malimbag din ni
Andreas Vesalius ang kanyang
De Humani corporis fabrica o "Ang Kayarian ng Katawan ng Tao" (kilala sa Ingles bilang
The Fabric of the Human Body). Dahil sa napakaraming paghahati sa kasaysayan, maraming mga siyentipiko ang tumutol sa mga hangganan nito. Iniuugnay sa ika-16 hanggang ika-17 mga daantaon ang kaganapang ito, bagaman nahanap nito ang huling hakbang sa larangan ng
kimika at
biolohiya noong ika-18 hanggang ika-19 mga daantaon.