Ang
Ginintuang Patakaran (Ingles:
Golden Rule,
Ethic of Reciprocity, o
Norm of Reciprocity) ay ang pamantayan ng gantihan ng kabutihan o palitan ng gawaing mabuti, na nagsasaad ng ganito o katulad nito: "
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo." Tinatawag din itong
Pamantayan ng Resiprosidad o
Etiko ng Resiprosidad, isang kasunduan ng pagtutulungan. Sa Ingles, ganito ang kaanyuan ng pangungusap na ito:
Do unto others as you would have them do unto you. Sa pagnenegosyo o iba pang pagkakataon, madudugtungan ito ng mga negosyante ng ganitong pangungusap:
Ginagamit ang Ginintuang Patakaran, sa lahat ng panahon (o oras), sa lahat ng mga bagay, sa lahat ng mga pook. Na maiaangat pa sa ganitong kataga:
Palaging sinusubukang itrato ang mga tao na mas mainam ng bahagya kaysa kung paano nila ako tinatrato. Sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, matatagpuan ito sa
Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 7:12):
Kaya nga gawin ninyo sa iba ang ibig ninyo na gawin nila sa inyo. Katumbas ng Ingles na:
Do to others as you would have them do to you. Sa isang bersyong ginagamit ng pormal na matandang Ingles, ganito ang pagkakabanggit nito mula sa
Mateo 7:12 ng
The Holy Bible, Authorized King James Version, sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo: "
Therefore all things whatsoever ye would that men should do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets."