Ang
kabayaran,
gantimbayad, o
ganting bayad (Ingles:
wage) ay isang
kompensasyon, karaniwang pampananalapi, na natatanggap ng mga manggagawa bilang kapalit sa kanilang mga nagawa o gawain. Ang kompensasyon bilang
upa ay ibinibigay sa mga manggagawa at ang kompensasyon bilang
suweldo o salaryo ay ibinibigay sa mga
empleyado. Ang kompensasyon ay isang
benepisyong salapi o
pakinabang na pera bilang kapalit o ibinabalik para sa mga serbisyo o paglilingkod na isinasagawa ng mga naghahanapbuhay, o kaya bilang
remunerasyon o panumbas na halaga sa ginawa ng nagtrabaho.