Ang
dalasan,
kadalasan,
dalas,
kalimitan,
limit,
dalang,
lagi, o
apura (Ingles:
frequency) ay ang bilang ng ulit ng pagbalik-balik, pagkakaulit-ulit, o repetisyon ng iisang pangyayari sa loob ng nakalaang dami ng panahon o oras, tulad ng bilang ng mga siklo o pag-inog ng isang segundo. Sa
pisika, ang kadalasan ng isang alon ay ang bilang ng tuktok o rurok ng alon na dumaraan sa isang tuldok o punto sa loob ng isang segundo. Ang tuktok ng alon ay ang tugatog o kasidhian ng alon. Ang
Hertz (sinasagisag ng
Hz) ay ang yunit ng kadalasan.