reproduksyong aseksuwal


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Reproduksyong aseksuwal
Ang reproduksyong aseksuwal o aseksuwal na pagpaparami ay isang uri ng reproduksyon na hindi kinakailangan ng dalawang selulang kasarian para sa proseso ng pagpaparami. Kabaligtaran ito ng reproduksyong seksuwal. Ang aseksuwal na reproduksiyon ang paraan ng reproduksiyon o pagpaparami kung saan ang supling ay nagmumula sa isang magulang at namamana ang mga gene ng isang magulang na ito. Ito ay ang reproduksiyon na halos palaging hindi kinasasangkutan ng meiosis, ploidy reduction o pertilisasyon. Ang supling mula sa reproduksiyong aseksuwal ay eksaktong kopya ng magulang nito maliban sa spesispikong kaso ng automixis. Ang mas mahigpit na depinisyon ng reproduksiyong aseksuwal ang agamogenesis na reproduksiyong walang pagsasanib ng mga gamete o hindi kinasasangkutan ng gamete ng lalake. Ang mga halimbawa nito ang partenohenesis at apomixis. Ang reproduksiyong aseksuwal ang pangunahing anyo ng reproduksiyon ng may isang selulang mga organismo gaya ng bakteryaarchaea at mga protista. Maraming mga halaman at fungi ang nagpaparami rin ng aseksuwal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.