Ang
pamamanhikan (Ingles:
supplication,
request) ay isinasagawa kapag ang
babae at
lalaki ay nagkasundong
magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa
magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag-uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag-sing irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang, ang
paring magkakasal, mga
abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga
bisita.