Ang
sigwa ng kuryente o
resistensyang elektrikal (Ingles:
electrical resistance) ay ang repulsyon (pagtanggi o pag-urong) ng isang kuryente sa loob ng isang sirkito. Ipinapaliwanag nito ang ugnayang nasa pagitan ng
boltahe (dami ng presyon ng kuryente) at ampero (dami ng daloy ng kuryente). Natuklasan ni Georg Simon Ohm ang resistensya noong 1827. Sa maiksing pananalita, ito ang rasyo o tumbasang dami sa pagitan ng boltahe at daloy (kuryente). Ayon sa
batas ni Ohm, ang boltahe sa pagitan ng dalawang punto (tuldok) na nasa loob ng isang
konduktor ay tuwirang nagbabago sa kuryenteng nasa pagitan ng dalawang mga punto, basta't nananatiling pareho at hindi nagbabago ang temperatura. Ginawa ni Ohm ang ekuwasyong:
na nagmomodelo sa rasyo, kung saan ang:
- R ay ang resistensya ng bagay, sinusukat sa mga ohm (O)
- V ay ang boltahe sa kahabaan ng bagay, sinusukat sa mga boltahe (V)
- I ay ang daloy o kuryenteng lumalagos sa bagay, sinusukat sa mga ampero (A)