Ang
sayusay o
retorika ay isang uri ng
sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng
wika sa paraang
pasulat o
pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga
salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang
retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa
pakikipagtalastasan.