Ang
reuma,
rayuma o
artritis (
Ingles:
rheumatism) ay isang uri ng karamdaman. Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mga pamamaga sa mga
kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito ng
katawan ng
tao. Bagama't maraming uri ng
artritis, karaniwang tinatawag lamang ng mga matatanda ang anumang pamamagang ganito bilang
rayuma. Kabilang sa mga klase ng artritis ang mga sumusunod:
septikong artritis (
septic arthritis),
rayumatoid artritis (
reyumatoid artritis o
reumatoid artritis,
rheumatoid arthritis),
tuberkulosong artritis (
tuberculous arthritis) at
hipertropikong artritis (o
haypertropikong artritis,
hypertrophic arthritis). Tinatawag na
rayumatiko o
reumatiko ang isang lalaking
may-rayuma; samantalang
rayumatika o
reumatika naman ang babaeng
may-artritis o
may-reuma.
Rayumatolohiya o
reumatolohiya ang tawag sa larangang nagsasagawa ng pag-aaral at panggagamot ng mga rayuma.
Rayumatologo o
rayumatolohista ang taguri sa mga duktor na tumitingin at gumagamot ng mga taong may rayuma.