- Para sa larangan ng pagbabalita, pumunta sa pamamahayag.
Ang
pagsisiwalat, nagmula sa salitang
siwalat, o
rebelasyon ay ang pagpapakita ng katotohanan, katulad ng mga itinatadhana ng Diyos. Isa rin itong pagpapakita o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay na hindi dating nalalaman ng pinagpakitaan o pinagsabihan. Kaugnay din ito ng
pagpapahayag ng mga hula o ang tinatawag na
apokalipsis katulad ng nasa
Bagong Tipan ng
Bibliya. Kakabit pa rin ng Bibliya, ipinahayag ng Diyos ang katotohanan hinggil sa tao at kanilang daigdig sa pamamagitan ng mga sinasaad sa Bibliya, kaugnay ng pagpapakita ng Diyos ng kanyang kapangyarihan at pagmamahal sa tao, na isinagawa niya sa pamamagitan ng kanyang mga "dakilang gawain ng pagliligtas" sa mga ito. Kung minsan, isinisiwalat ng Diyos ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng partikular na mga tao, katulad ng mga
propeta at mga
alagad o
apostol niya. Isang halimbawa ng propeta ng Diyos ang anak niyang si Hesus na nagsiwalat ng kung sino ang Diyos at kung gaano kamahal ng Diyos ang tao.