Ang
ribosoma(Ingles:
ribosome) ay isang bahagi ng isang
selula na bumubuo ng dalawampung mga spesipikong mga molekulang
asidong amino upang bumuo ng partikular na
protinang molekula na tinutukoy ng sekwensiyang nucleotide ng molekulang
RNA. Ang isa sa sentral na katuruan ng
biolohiya na karaniwang tinutukoy na sentral ng
dogma ng molekular na biolhiya ay ang
DNA ay ginagamit upang lumikha ng
RNA na ginagamit naman upang lumikha ng mga
protina. Ang sekwensiya ng DNA ay kinokopya sa tagahatid na RNA(mRNA). Pagkatapos nito ay binabasa ng mga ribosoma ang impormasyon sa mRNA na ito at ginagamit upang lumikha ng mga protina. Ang prosesong ito ay tinatawag na pagsasalin(translation). Ang ribosoma ay nagsasalin ng henetikong impormasyon mula sa RNA sa mga protina. Isinasagawa ito ng mga ribosoma sa pamamagitan ng pagbibigkis nito sa mRNA at gingamit ito bilang suleras(template) sa pagtukoy ng tamang sekwensiya ng mga
asidong amino sa isang partikular na protina. Ang mga asidong amino ay ikinakabit sa mga molekulang tagalipat na RNA(tRNA) na pumapasok sa isang bahagi ng ribosoma at bumibigkis sa sekwensiyang mensaherong RNA. Ang ikinabit na mga asidong amino ay pinagdudugtong naman ng isang bahagi ng ribosoma. Ang mga ribosoma ay gumagalaw sa kahabaan ng mRNA, binabasa ang mga sekwensiya nito at lumilikha ng tumutugong kadena ng mga asidong amino.