Ang
biyaheng daambakal (halaw sa dalawang salitang "daang bakal") o
biyaheng riles ay ang
transportasyon o paghakot, paghila, pagdadala, paglululan, pagkakarga, pagluluwas, pag-aangkat, at paglilipat ng mga taong lulan o pasahero at mga bagay na tulad ng mga mabubuting dala-dalahin (mga
goods sa Ingles) sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang may mga gulong at dinisenyong tumakbo o umandar sa ibabaw ng mga
daambakal (
daang bakal o
daanang bakal). Kilala rin ang daambakal bilang
dambakal,
riles ng tren o
riles lamang,
tramo, at
riles perokaril. Sa karamihan ng mga bansa, nakakatulong ang ganitong paraan o metodo ng transportasyon sa internasyunal na kalakalan at kaunlarang pangkabuhayan o pang-ekonomiya. Nagbibigay ang mga daambakal ng matalab o episyenteng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya upang makapaglipat ng mga materyales o bagay na inaangkat sa ibabaw ng lupa. Malalaking bahagi ng sistema ang mga daambakal at nakapagdurulot ng makinis at matigas na kalatagan o kahabaan kung saan nakagugulong ang mga gulong ng
tren habang nagsasanhi lamang ng maliit na antas ng
priksyon. Gayundin, ikinakalat ng daambakal o riles ang bigat ng tren, na nangangahulugang may mas malalaking bilang ng mga bagay ang nadadala kaysa sa paggamit ng mga trak at mga
kalsada.