Ang tsismis (Ingles: gossip, rumor; Kastila: chismes) ay isang bagay, karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-buhay, na negatibo (isang negatibidad), pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao. Ginagawa at ginagamit ito ng mga tsismoso (lalaki) at tsismosa (babae) kilala rin bilang mga madaldal, matabil, masatsat, daldalero (lalaki), daldalera (babae), satsatero (lalaki), at satsatera (babae) dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o "kabuwayahan", upang ibaba o ilugmok ang ibang tao, samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na "kabutihan" o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa sarili.