Sa pangkalahatan, ang
pook na rural o
lugar na rural (Ingles:
rural area) ay isang pook na
pangheograpiya na nasa labas ng mga
lungsod at mga kabayanan. Nasasaklawan nito ang lahat ng mga populasyon, pabahay o kabahayan, at teritoryong hindi kasali sa loob ng isang
pook na urbano. Ang anumang pook na hindi urbano ay itinuturing bilang
rural, pati na ang mga pook na hindi tinatawag na bayan o lungsod ay rural din. Sa kadalasan, ang mga ito ay mga pook na
pampagsasaka at
pang-agrikultura. Ang mga pook na ito ay paminsan-minsang tinatawag bilang "nayon o kanayunan, na katumbas ng Ingles na
"the country" (hindi iyong "
bansa") o
"countryside". Ang mga taong naninirahan sa kanayunan ay kadalasang nakatira sa maliliit na mga baryo o
baranggay, subalit maaari rin silang manirahan sa ibang lugar kung saan walang kalapit na mga kabahayan.