rural


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pook na rural
Sa pangkalahatan, ang pook na rural o lugar na rural (Ingles: rural area) ay isang pook na pangheograpiya na nasa labas ng mga lungsod at mga kabayanan. Nasasaklawan nito ang lahat ng mga populasyon, pabahay o kabahayan, at teritoryong hindi kasali sa loob ng isang pook na urbano. Ang anumang pook na hindi urbano ay itinuturing bilang rural, pati na ang mga pook na hindi tinatawag na bayan o lungsod ay rural din. Sa kadalasan, ang mga ito ay mga pook na pampagsasaka at pang-agrikultura. Ang mga pook na ito ay paminsan-minsang tinatawag bilang "nayon o kanayunan, na katumbas ng Ingles na "the country" (hindi iyong "bansa") o "countryside". Ang mga taong naninirahan sa kanayunan ay kadalasang nakatira sa maliliit na mga baryo o baranggay, subalit maaari rin silang manirahan sa ibang lugar kung saan walang kalapit na mga kabahayan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.