Ang
Ikapitong Taon o
Pampitong Taon, na kilala rin bilang
Shmita (, literal na "pakawalan" o "palayain") at
Taong Sabatikal (Ingles:
Sabbatical Year), ay ang pangpitong taon ng pitong taong siklo o pag-inog na agrikultural o pampagsasaka at pag-ani. Alinsunod ito sa
Tora para sa Lupain ng Israel, at kasalukuyang isinasagawa pa rin sa kontemporaryong
Hudaismo. Sa taong ito, na dumarating tuwing ikapitong taon, hindi nililinang o sinasaka ng sinaunang mga
Israelita ang kanilang mga sakahan, taniman, o bukirin, at kinakansela, binabalewala, pinagwawalang-bahala ang mga pagkakautang.