sakit sa pag-iisip


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sakit sa pag-iisip
Ang sakit sa pag-iisip o diperensiya sa pag-iisip (Ingles: mental illness o mental disorder) ay isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing na hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal. Ang kapansanan o ang hindi kakayahan na mamuhay ng normal sa lipunan ay depende sa uri ng sakit sa pag-iisip ng isang indibidwal at sa ginagawang paraan upang magamot ito. Ang isang sakit sa pag-iisip na napabayaan ay maaaring magdulot ng paglala nito o panganib sa isang indibidwal at sa lipunan. Halimbawa, ang depresyon at ang diperensiyang bipolar na pinabayaan at hindi natugunan ng pansing medikal ay maaaring magtulak sa isang indibidwal na magpatiwakal. Ang sakit sa pag-iisip ay maaaring mamana mula sa isang magulang o kamag-anak, lumitaw dahil sa hindi normal na paggana ng mga neurotransmitter sa utak ng isang indbidwal, maging resulta ng mga pangyayari sa pagbubuntis o kapanganakan ng isang indibidwal o lumitaw sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karanasan na nagdudulot ng trauma sa isang indibidwal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.