salipapaw


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sasakyang panghimpapawid
Ang sasakyang lumilipad o sasakyang panghimpapawid (Ingles: aircraft [pang-isahan at pangmaramihan] ay isang sasakyan o behikulong may kakayahang lumipad o sumalipadpad sa pamamagitan ng tulong ng hangin, o dahil sa suporta ng atmospero ng isang planeta. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga sasakyang may lobo (napapaangat dahil sa mainit na hangin), mga eruplano, mga glayder (sasakyang walang makina ngunit sumasalimbay o sumasabay at nagpapatangay lamang sa hangin), at mga helikoptero. Hindi itinuturing na isang sasakyang panghimpapawid ang karamihan sa mga kuwitis (mga rocket o skyrocket) o misil sapagkat hindi sila inaalalayan ng hangin bagaman may kakayahang sumahimpapawid. Tinatawag na abyasyon o pagpapalipad ang gawain ng taong may kaugnayan sa mga sasakyang lumilipad. Mayroon na ring mga sasakyang may makinang lumilipad subalit hindi naman talaga naglululan ng tao.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.