Ang
Kakristiyanuhan (Ingles:
Christendom), o ang
Mundong Kristiyano (Ingles:
Christian world), ay mayroong ilang mga kahulugan. Sa diwang
pangkultura, tumutukoy ito sa pamayanang pambuong mundo ng mga
Kristiyano, mga tagasunod ng
Kristiyanismo. Sa diwang
pangkasaysayan o heopolitikal, ang kataga ay karaniwang pangkatipunang tumutukoy sa mga bansa kung saan nangingibabaw ang Kristiyanismo o isang penomenang pangteritoryo. Sa una, ang Kakristiyanuhan ay isang diwang midyebal na umunlad magmula noong pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano at ang dahan-dahang pagbangon pa ng
Kapapahan na may kinahinatnang relihiyotemporal, praktikal na noong at pagkalipas ng pamumuno ni
Charlemagne; at ang mismong diwa ay tumighaw sa mga isipan ng matatapat na mga mananalig upang maging isang arketipo ng isang banal na pangrelihiyong puwan na pinaninirahan ng mga Kristiyano, binasbasan ng Diyos na Amang Makalangit, pinamumunuan ni Kristo sa pamamagitan ng Simbahan at pinupruteksiyunan ng Espiritung katawan ni Kristo; hindi katakataka, na ang diwang ito, bilang kinabibilangan ng kabuoan ng Europa at pagdaka ng lumalawak na mga teritoryong Kristiyano sa daigdig, ay nakapagpatibay sa mga ugat ng Romansa ng kadakilaan ng Kristiyanismo sa mundo.