sampling


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sampling
SAMPLING
ang sampling ay isang uri ng promotion o pagtataguyod ng isang produkto para sa mga mamimili upang mahikayat at makumbinsi ang mga ito na bumili ng dagli o kaagad-agad ng masmarami . Limitado lamang ang dami o laki nitong mga libreng produkto na iniaalok at inihahandog ng mga kumpanya sa mga mamimili upang maiwasan na din ang pagkalugi. Ito ay isa lamang sa mga paraan upang sila ay mabilis na kumita at mapalago ang negosyo. Ang kalamangan at benepisyo ng paggamit ng sampling bilang uri ng pagtataguyod ay agad itong masusubukan at maranasan at masmalaki ang posibilidad na ang mabilisang pagtangkilik ng mga mamimili. Halimbawa, noodles o kahit anong pagkain, pabango, kape, lotion, panulat, etc. Ang hindi lamang maganda dito ay ang pagkakaroon ng kawalan sa dahilang paminsan-minsan, kailangan magbigay ng masmaraming libreng produkto upang masigurado at makumbise ang mga mamimili na bumili. Karaniwang matatagpuan ito sa mga grocery, supermarkets, department stores, convenient stores, at sa sariling tindahan mismo ng produkto. Upang maisagawa ang uri ng pagtataguyod na ito, kailangang: - maganda at maayos ang kalagayan o katayuan ng produkto sa merkado - ang produkto ay hindi pa kalianman nasubukan o hindi na s=nasusubukan ng matagal nang panahon - ang produkto ay may potensyal na mabili sa uulitin

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.
English-Frenkisch DictionaryDownload this dictionary
sample 2
v. = preuve