sandatang nukleyar


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sandatang nuklear
Ang sandatang nuklear o sandatang nukleyar ay isang sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksyong nuklear ng fission at/o fusion. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nuklear kaysa mga konbensyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong lungsod. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nuklear sa kasaysayan ng pakikidigma – parehong tinapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig; nangyari noong umaga na Agosto 61945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng Estados Unidos ang isang uranium na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "Little Boy" o "Maliit na Bata" sa lungsod ng HiroshimaHapon at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa Nagasaki, Hapon; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "Fat Man" o "Matabang Lalaki" na isang plutonium na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.