Ang isang
santo ay isang partikular na mabuti o
banal na tao. Ginagamit ang katagang ito sa
Kristiyanismo, na may iba't ibang kahulugan sa iba't ibang mga denominasyon. Hango ang salita mula sa salitang
Latin na
sanctus (banal). Nagmula ang konsepto noong unang bahagi ng
panitikang Kristiyanong
Griyego na ginagamit ang salitang
hagios (
Griyego άγιος nangangahulugang “banal”) at nasa
Bagong Tipan, na sinasalarawan ang mga taga-sunod ni
Hesus ng Nazareno.