Ang
indibiduwal o
sarili (Ingles:
individual,
self) ay isang
tao o isang partikular na bagay. Ang
indibiduwalidad, na tinatawag ding
pagkatao o
kasarilihan (Ingles:
individuality,
selfhood) ay isang katayuan o kalidad o katangian ng pagiging isang indibiduwal; isang
persona o tao na nakabukod mula sa iba pang mga persona o mga tao at nag-aangkin kaniyang pansariling mga pangangailangan o mga layunin; at may pagiging mapagpahayag ng sarili, at may pagsasarili o hindi umaasa sa ibang mga tao (independiyente).