Ang
longganisa,
langgonisa,
soriso o
tsoriso/tsuriso (Kastila:
longaniza o
chorizo; Ingles:
sausage) ay isang uri ng pagkaing may palamang giniling na karne ng
baboy,
baka o
manok, at binalot sa balat ng bituka. Mayroon ding longganisang walang balat o walang balot (
skinless longganisa). Ang uri ng maanghang na longganisa na galing sa Bilbao, Espanya ay tinatawag na
chorizo de Bilbao (longganisa ng Bilbao o tsurisong mula sa Bilbao). Kung minsan, nababaybay din itong
langgunisa o
longaniza. Tinatawag na
batutay ang mga longganisang yari sa laman ng baboy.