Ang
saya,
palda o
babong ay isang kasuotang hugis tubo o apa (tatsulok na pabaligtad) na nakabitin pababa mula sa
balakang at tumatakip sa lahat o bahagi ng mga
hita at
binti. Sari-saring mga palda ang isinusuot sa iba-ibang mga kultura sa loob ng maraming mga panahon. Mayroong mga pambabae at may mga panlalaki o kapwa para sa dalawa. Halimbawa ng mga panlalaking palda ang
kilt at ang
pustanela.