Ang mga
scanner (bigkas at literal na baybay:
iskaner) ay mga panlabas at pandugtong na kasangkapang ikinakabit sa
kompyuter na ginagamit para kopyahin ang isang orihinal na dokumento o larawan. Isa itong aparatong pangkopya. Tinatawag na
flatbed scanner o
desktop scanner ang mga iskaner na malaki ngunit lapad, payat at patag na naipapatong sa isang mesang pang-opisina o pambahay. Karaniwang angkop lamang ang haba nito para matanggap sa kaniyang higaan ang ordinaryong sukat ng papel na panulat katulad ng
coupon bond o
typewriting paper. Ito ang pinakapangkaraniwang uri ng iskaner.