Ang isang
guro o
titser ay isang tao na nagbibigay ng
edukasyon para sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isang
paaralan o ibang lugar ng edukasyong pormal. Sa maraming mga bansa, ang isang tao na nais maging isang guro ay dapat na makakamit muna ng tinukoy na mga kuwalipikasyong pamprupesyon o mga kredensiyal magmula sa isang
pamantasan o
dalubhasaan. Ang mga kuwalipikasyong pamprupesyon ay maaaring magbilang ng pag-aaral ng pedagohiya, ang agham ng pagtuturo. Ang mga guro, katulad ng iba pang mga prupesyunal, ay maaaring magpatuloy ng kanilang edukasyon pagkaraan makamit nila ang kuwalipikasyon, isang prosesong nakikilala bilang nagpapatuloy na kaunlarang pamprupesyon. Ang mga guro ay maaaring gumamit ng isang planong panleksiyon (planong pang-aralin) upang makapagbigay ng pagkatuto ng mga estudyante, na nakapagbibigay ng isang kurso ng pag-aaral na tinatawag na kurikulum.