Ang
Pag-uuring biyolohikal,
pag-uuring pambiyolohiya, o
klasipikasyong biyolohikal ay isang pamamaraan ng taksonomiyang siyentipiko na ginagamit upang ipangkat at uriin ang mga organismo sa mga pangkat gaya ng
henus o
species. Ang mga pangkat na ito ay kilala bilang
taxa. Nagmula ang makabagong pag-uuring biyolihikal mula sa mga gawa ni
Carolus Linnaeus, na nagrupo sa mga uri ayon sa kanilang mga magkatulad na pisikal na karakterismo. Ang mga pag-uuring ito ay binago upang umayon sa prinsipyong karaniwang pinagmulan ng
ebolusyon ni
Charles Darwin. Ang sistematikong molekular, na gumagamit ng mga sekwensiya ng DNA bilang data, ay naggawa ng maraming pagbabago sa pag-uuring ito. Ang pag-uuring biyolohikal ay kasama sa agham ng sistematikong pambiyolohiya.