Sa larangan ng mga
agham, ang
panukalang makaagham o
teoriyang siyentipiko (tinatawag ding
teoriyang empirikal) ay binubuo ng katipunan ng mga konsepto o diwa, kabilang ang mga abstraksyon ng mapupunang mga
kababalaghan o mga
penomeno na ipinadarama bilang matitiyak na mga bilang ng mga pag-aaring katangian, kasama ang mga patakaran (tinatawag na mga batas na makaagham) na nagpapakita ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga obserbasyon ng ganyang mga konsepto. Binubuo ang
teoriyang pang-agham upang umalinsunod sa makukuhang mga datong empirikal hinggil sa kanyang mga pagmamasid, at inilalagay bilang isang prinsipyo o katawan ng mga prinsipyo para sa pagpapaliwanag ng isang klase ng kababalaghan.