Ang
Pagguguntingan o
Tribadismo (Ingles:
tribadism,
tribbing,
scissoring position) ay isang uri ng
posisyong pangpagtatalik at pakikipagtalik na hindi nagpapasok kung saan ang isang babae ay nagkakaskas ng kanyang
bulba sa katawan ng kanyang katalik para sa estimulasyong seksuwal. Maaari itong kasangkutan ng pagdirikit ng dalawang babae o ng isang babae na ikinikiskis ang kanyang bulba sa hita, tiyan o puson, mga pigi ng puwit, bisig, o iba pang bahagi ng katawan ng kanyang katalik ngunit hindi kasama ang
bibig. Isang kasamu't sarian ng mga posisyong pampagtatalik ang naitala, kasama ang
posisyong misyonero. Ang katagang ito ay paminsan-minsang ginagamit upang tukuyin ang isang pamamaraan ng
pagsasalsal kung saan ang isang babae ay hinahagod o ikinakadkad ang kanyang bulba sa isang bagay na hindi gumagalaw o walang buhay katulad ng isang mahaba at makitid na unan (isang
bolster kung tawagin sa Ingles o dantayan o tandyang unan) upang makamit ang
sukdulan. Kadalawang ginagagamit ang katawagan sa diwa ng pagtatalik na pangtomboy.