Ang
hampas o
paghampas ay ang
pagtama ng isang bagay sa isa pang bagay. Maaari rin itong mangahulugang pagsapol sa isang bagay, isang tao, o iba pang nilalang. Sa
Ebanghelyo ni Mateo sa
Bagong Tipan ng
Bibliya, ang salitang
ipinahampas ay tumutukoy sa isang uri ng parusang ginagawad ng
sinaunang mga Romano, kung saan nakagapos ang mga kamay ng taong pinarurusahan ng paghampas ay nakatali sa isang mababang haligi, na nakayukod din nang bahagya ang taong ito upang
mahagupit ang
likod. Mayroon ding kaparusahang paghampas ang sinaunang
mga Hudyo. Nagkaiba lamang ang mga Romano at sinaunang mga Hudyo: walang nakatakdang bilang ang sa mga Romano, habang apatnapung hampas naman ang sa mga Hudyo.