Ang kasulatan ay ang pangungusap o pahayag na may bisa o epekto. Sa Kristiyanismo, tumutukoy ang mga kasulatan sa mismong Bibliya o sa mga sitas na bumubuo rito, katulad ng mga Ebanghelyo. Ito rin ang nakasulat o nasusulat na Salita ng Diyos, na tinatawag ding Banal na Aklat at Banal na Kasulatan. Sa anyong isahan, tumutukoy pa rin ang kasulatan sa sipi o siniping talata o pangungusap mula sa isang katha, o sa piraso ng isang komposisyon.