scurvy


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Eskorbuto
Ang eskorbuto o iskurbuto (Ingles: scurvy, Kastila: escorbuto) isang uri ng karamdaman na idinudulot ng pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina C ng katawan. Kinakikitaan ang taong may ganitong sakit ng pagdurugo ng gilagid at balat, ng kadalian sa panghihina o panlulupaypay ng katawan. Sa mga sanggol o bata, isa sa mga sanhi nito ang pagpapakain o pagpapainom sa mga ito ng puro kondensadang gatas lamang, ngunit nalulunasan kapag binibigyan ang mga sanggol o bata ng isang kutsarita ng katas ng narangha dalawang ulit sa loob ng isang araw. Kilala rin ang eskurbuto bilang karamdaman ni Barlow o sakit ni Barlow (Barlow's disease) na ipinangalan mula kay Gat o Ginoong Thomas Barlow (1845–1945), bagaman minsang itinuturing ito bilang isang partikular na uri o anyo lamang ng eskorbuto. Ginagamit ding pamalit na tawag para sa karamdaman ni Barlow ang eskorbutong pambata (infantile scurvy) at eskorbutong rakitis (scurvy rickets). Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unang pagsubok na pangklinika, napaunlad ng Eskoses na manggagamot na si James Lind ang teoriya na ang mga bungang sitrus ay nakapagpapagaling ng eskorbuto.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.