seksuwal na orientasyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Oryentasyong seksuwal
Ang kamalayang pangkasarian, kamulatang pangkasarian, kabagayang pangkasarian, kaakmaang pangkasarian, o oryentasyong seksuwal ay naglalarawan sa isang nagtatagal na nakagawian o padron ng pagkaakit - pangdamdamin, romantiko, seksuwal, o ilang pagsasama-sama ng mga ito - sa katumbas na kasarian, sa katulad na kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa anumang kasarian, at ang mga kasariang umaagapay sa kanila. Sa pamamagitan ng kasunduan ng organisadong mga mananaliksik, ang mga pagkaakit na ito ay ginawang kabahagi sa ilalim ng heteroseksuwalidadhomoseksuwalidadbiseksuwalidad, at aseksuwalidad. Ayon sa Amerikanong Asosasyong Pangsikolohiya, tumutukoy din ang oryentasyong seksuwal sa pandama ng "pagkakalinlanlang personal at panlipunan" ng isang tao "batay sa mga pagkaakit na iyon, mga kaasalan ng pagpapadama ng mga iyon, at kasapian sa isang pamayanan na nakikisalo sa mga ito." Ang katagang preperensiyang seksuwal o kagustuhang pangkasarian ay malakihan ang pagkakasalabat sa kamalayang pangkasarian, subalit naipagkaiba sa pananaliksik na pangsikolohiya. Ang taong kumikilala sa kanyang sarili bilang biseksuwal, bilang halimbawa, ay gusto ang isang kasarian higit sa isa. Maaari ring imungkahi ng "kagustuhang pangkasarian" ang isang antas o degri ng kusang pagpili, na pinagtatalunan batay sa pormasyong seksuwal o paghulmang pangkasarian.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.