Ang
seksuwalidad na pantao o
seksuwalidad ng tao ay ang paraan ng isang tao kung paano siya naaakit sa iba pang mga tao. Ang maaari nilang maramdaman ay maaaring
heteroseksuwal (naaakit sa katapat o kasalungat na
kasarian),
homoseksuwal (naaakit sa kaparehong kasarian), o kaya
biseksuwal (naaakit sa kapwa mga kasarian). Ito ang kakayahan ng mga tao na magkaroon ng mga karanasan at mga pagtugong
erotiko. Maaari rin itong tumukoy sa paraan ng pagkaakit ng isang tao sa iba pang tao, na bukod sa pagkaakit sa may katulad na kasarian o sa dalawang kasarian, ay maaari ring sa lahat ng mga
katauhang pangkasarian (
panseksuwalidad), o kaya ay hindi maakit kaninuman sa paraang seksuwal (
aseksuwalidad). Ang seksuwalidad ng tao ay nakakaapekto sa pangkalinangan, pampulitika, pambatas, at pampilosopiyang mga aspeto ng buhay. Maaari itong tumukoy sa mga paksa ng
moralidad,
etika,
teolohiya,
espirituwalidad, o
pananampalataya. Subalit, hindi ito tuwirang nakatali sa
kasarian.